Latest News

BARKO, NASABAT NG PHIL. NAVY AT BOC, P64- M PUSLIT NA YOSI, NASAMSAM

By: Victor Baldemor Ruiz

ITINATAYANG aabot sa halagang P64 milyon ang kontrabandong nasamsam ng mga tauhan ng Philippine Navy at Bureau of Customs, habang nagsasagawa ng anti-smuggling operation kasabay ng kanilang maritime domain awareness patrol sa Manuk Mangkaw Island, Simunul, Tawi-Tawi nitong nakalipas na lingo.

Sa ulat na ipinarating sa tanggapan ni Navy Flag Office in Command Vice ADMIRAL Toribio Adaci, Jr., hinarang ng mga tauhan ng Naval Forces Western Mindanao (NFWM) sakay ng BRP Jose Loor Sr. (PC390) ang M/L Yasmen dahil sa kahina-hinalang kargamento nito .

Nang masabat at magsagawa ng Visit, Board, Search and Seizure (VBSS) ang mga sundalo ng Phil. Navy ay nadiskubre ang bulto- bultong undocumented tobacco products habang naglalayag sa bisinidad ng Manuk Mangkaw Island.


“The apprehension of M/L Yasmen transpired during a routine maritime security patrol, maritime law enforcement operation, external defense operation and sovereign patrol of PC390 to ensure maritime interest at the Trilateral Patrol area,’ ayon sa report.

Ayon kay Rear Admiral Donn Anthony Miraflor, ang pinuno ng NFWM, sa pagrerekisa ay nadiskubre ang mga iligal na kontrabando kung saan ay itinatayaang nagkakahalaga ang nasabing tobacco goods ng P64 million, batay sa kasalukuyang market value.

Agad namang nai-turn over sa pangangalga ng Bureau of Customs Sub-Port Bongao Station ang nasamsam na mga kargamento para sa proper disposition at follow up investigation.

“We remain resolute in our mission to uphold maritime security and promote lawful commerce within Philippine waters. The Philippine Navy stands ready to confront and deter any threat to national sovereignty and maritime safety,” ani RADM Miraflor.


 

Tags: Bureau of Customs, Philippine Navy

You May Also Like

Most Read