Dinakip ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na katao sa Pagbilao,Quezon, dahil sa pagdadala ng mga iligal na forest products.
Kinilala ng NBI – Lucena District Office ang mga dinakip na sina Mavie Escobar, alyas “MAVS”, Juanito.Gonzales.Lara.Jr.alyas Onyok, Julius Ambarado Merencillo at Obet Gulong Doing.
Napag-alaman na ang mga forest products ay sakay ng 12- wheeler trucks na walang kaukulang dokumento at nakatakdang dalhin sa Malvar, Batangas mula sa Calbayog, Samar nang masabat noong Abril 16 habang tinatahak ang Barangay Malicboy, Pagbilao, Quezon.
Nasamsam ng mga ahente ng NBI ang tinatayang 7,000 board feet ng “Lauan”.
Sinailalim sa inquest proceedings ang mga naaresto sa Office of the Provincial Prosecutor of Quezon noong Abril 18, 2023.














