APARRI VICE MAYOR, 5 PA, PATAY SA AMBUSH

ISA na namang local government official ang nasawi kasama ng limang iba pa matapos na tambangan kahapon ng umaga ng armadong kalalakihan na nakasuot ng uniporme ng pulis sa bayan ng Bagabag , Nueva Vizcaya.

Patay sa ambush si Aparri Vice Mayor Rommel Alameda at lima nitong kasamahan nang pagbabarilin ng mga naka- unipormeng suspek sakay ng isang Puting Mitsubishi Adventure na may government plate number


Sa ulat na ibinahagi ni Nueva Vizcaya police information officer Major Jolly Villar inabangan at hinarang ng mga suspek ang sinasakyang Hyundai Starex Van ni Alameda papunta sana ng Aparri pagsapit sa Sitio Kinacao sa Barangay Baretbet bandang alas 8:45 kahapon ng umaga.

Ayon sa imbestigasyon, nakasuot ang mga suspek ng uniporme ng mga pulis gamit ang isang puting Mitsubishi Adventure na may plate number na SFN 713.

“The killers allegedly barricaded the section of street in front of MV Duque Elementary School in Baretbet. When Alameda’s car arrived, they peppered the vehicle with bullets,” ayon sa isang ulat mula sa imbestigasyon.


Itinakbo pa ang vice mayor at ang kanyang dalawang kasama sa Region 2 Trauma and Medical Center kung saan sila idineklarang dead on arrival.

Sinasabing mabilis na tumakas ang nasa anim na mga salarin matapos ang pamamaril sa direksyon ng Solana ng nasabing lalawigan.


Samantala, kasalukuyan pa ring Iniimbestigahan ang krimen na ito. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags: Aparri Vice Mayor Rommel Alameda

You May Also Like