Latest News

ANIM NA SUNDALO PATAY, WALO SUGATAN SA FREAK VEHICULAR ACCIDENT

ISANG sarhento ng Philippine Army at limang kasamahan nito ang inabot ng dagliang kamatayan sa umany isang freak accident na ikinasugat din ng walong iba pang sundalong sakay ng military truck kamakalawa ng gabi sa Brgy Buenasuerte, Uson, Masbate.

Ayon kay Mgen Alex Luna, Commander, 9th infantry division, lulan ng isang military KM 450 Truck ang mga sundalo pabalik ng kanilang battalion headquarters sa Milagros Masbate ng maganap ang aksidente.

Sa inisyal na ulat na ibinahagi ni Mgen Luna, hinihinalang biglang nagka diperensya ang air brake system ng truck at nabali ang tatlong studs (bolts) ng gulong kaya biglang nawalan ng control ang driver ng military truck bandang alas 11:00 kamakalawa ng gabi.

“ three bolt, may bolt kasi na nag-aano dun sa gulong, unfortunately sabay sabay na ano, according to ano ha, natanggal yung ano, so that made it difficult to control nawalan ng hangin…kung ganun mawawalan ng control but may mixer kasi na tinamaan and then yun ang aggravate, kung bangga lang na ano, probably hindi naman siguro ganon ang ano, pero bumangga sa mixer.

Nabatid na bumangga sa nakaparadang mixer ang military truck na nagging sanhi ng dagliang kamatayan ng anim na sundalo habang walong iba pa an gang malubhang nasugatan ,

“ hindi nakatabi yung ano e, nawalan na lang ng control, tumama dun sa mixer and instantly namatay ang anim and eight were injured, five were already discharged by the hospital lumabas na sa hospital yung lima, one was airlifted kaninang umaga, tsinicheck ko nga kung nakarating na sa legazpi ngayon, ani Mgen Luna.

“Yun lang we have six killed in action, accident, vehicular accident, a very rare and unfortunate incident. Sabi nga namin napaka anong mangyari na tatlong bolt at magsabay sabay na ano, very rare yan, kung isa lang, probably hindi ganung kaano…

yes oo nagkaroon ng problema yung brake and then tumama dun sa mixer and then instantly yung most senior, yung team leader yung sarhento was the one killed and then the other junior enlisted personnel namatay din, then the other senior yun yung medyo nakareact yung isang sarhento siya yung nag facilitate na kaagad ng… (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read