Latest News

AKTOR, ARESTADO SA PANANAKIT NG NOBYANG SEXY-ACTRESS

NAHAHARAP ngayon sa a kasong paglabag sa Republic Act 9262 o ang Violence Against Women and Children ang isang actor matapos na arestuhin ng mga tauhan ng Philippine National Police sa Tagaytay City .

Sa inisyal na ulat, sumasailalim sa imbestigasyon ang aktor na kinilalang si Kit Thompson.

Ito ay makaraang maaresto matapos na ireklamo ng kasintahan nitong sexy actress dahil umano sa pananakit.


Ayon sa Tagaytay City Police Office, nakatanggap sila ng tawag mula sa nobya ni Kit na si Ana Jalandoni na humihingi ng police assistance dahil sa bantang papatayin umano siya ng kanyang nobyo at agad namang rumesponde ang Tagaytay City PNP sa dalaga.

Sinasabing inabutan ito ng mga awtoridad na nanghihina at hindi halos makahinga a sa loob ng tinutuluyan nilang hotel sa Brgy. Silang, Crossing East.

Una nang humingi ng saklolo ang aktres sa kaniyang mga kaibigan at nagpadala pa ng kanyang larawan. Ayon sa aktres, ikinulong siya at sinaktan ng kanyang boyfriend, ang aktor na si Kit Thompson.

Agad ding dinala ng mga awtoridad sa isang medical facility ang sexy actress para sa kinakailangang medical certificate at upang malapatan din ng lunas sa mga tinamong injuries. (VICTOR BALDEMOR)


Tags:

You May Also Like

Most Read