ABU SAYYAF MEMBER AT ISANG SUSPECTED BOMBER, PATAY SA MILITAR

Isang kasapi ng Abu Sayyaf Group ang napatay ng militar sa Sulu habang isang bomb carrier ang napaslang naman sa Basilan kasunod ng magkahiwalay na sagupaan , ayon sa ulat ng AFP Western Mindanao Command.

Sa ulat ng Armed Forces’ Western Mindanao Command, nagsagawa ng “strike operation” ang kanilang mga tauhan Barangay Lumbaan Mahaba, bayan ng Parang sa Sulu bandang alas 2 a.m.


Dito napatay si Gan Salahudin, isang extremist terrorist sa ilalim ng pamumuno ni ASG sub-leader Apah Salah.

“While clearing the encounter site, troops recovered the enemy cadaver, one 5.56mm M16 rifle, and one M203 Grenade Launcher, “ ani Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., Commander Western Mindanao Command.

Matapos ang documentation process, itinurn over ng task group ang mga labi ng ASG member sa kanyang mga kaanak.


Samantala; operating troops of Joint Task Force Sulu encountered an undetermined number of Abu Sayyaf Group in Barangay Buanza, Indanan, Sulu. Firefight is still ongoing as of press time, ani Lt Gen Rosario.

Patay naman ang isang suspected Improvised Explosive Device/Anti-Personnel Mine (IED/APM) carrier sa Basilan ayon kay Brig. Gen. Domingo Gobway, Commander ng Joint Task Force Basilan .


Kinilala ang napaslang na lawless element na si Adil Akarab., isang armed terrorist group member (LLE/ATG).

Naharang ang suspek at isang kasamahan nito sakay ng motorsiklo sa inilagay na checkpoint ng military mula Dagao Patrol Base subalit hindi sila hinintuan.


Nagkaroon ng hot pursuit operation hanggang sa masabat ng mga tauhan ng 18th Infantry Battalion ang dalawang suspected IED/APM carriers sa Barangay Sabong, na ikinasawi ni Akarab at pagsamsam sa IED/APM na naka silid sa dilaw na sako at disassembled M16 rifle na nasa puting sako.

Nakatakas naman ang driver ng motorcycle sa direksyon patungong Barangay Baas, Lamitan City.

“I commend the troops of JTF Basilan for the neutralization of the IED carrier and for foiling the bomb plot of our adversaries. I urge everyone to always remain calm and vigilant, and immediately report to the authorities any suspicious activity in your vicinity,” ani Lt. Gen. Alfredo Rosario, Jr., Commander of Western Mindanao Command. (VICTOR BALDEMOR)



Tags: Abu Sayyaf Group

You May Also Like