Latest News

9 NA NPA, NA-NEUTRALIZE MATAPOS ANG SAGUPAAN

SIYAM na kasapi ng communist New peoples Army ang na-neutralize ng mga tauhan ng Philippine Army 9th Infantry Division sa Masbate matapos ang naganap na sagupaan kahapon ng umaga.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Information Office chief Col Jorry Baclor, lima rito ang napatay ng 9ID 2nd Infantry Battalion at apat ang nadakip kabilang ang isang sugatan resulta ng isinagawang tactical operation ng militar sa Barangay Guiom, Cawayan, Masbate.


Bukod sa mga napaslang ng militar ay may anim na mataas na kalibre ng baril ang nakuha sa ginawang clearing operation sa encounter site.

Sa ibinahaging impormasyon ni Maj. Frank Roldan, spokesman, ng Army 9th Infantry Division, bago naganap ang engkwentro ay nakatangap ng intelligence information ang mga sundalong naka-deploy malapit sa Barangay Guiom na nagsasagawa ng community support program hinggil sa presensya ng may 20 armadong kalalakihan.

Agad na nagsagawa ng security patrol ang tropa ng 2IB na nagresulta sa mahigit 20 minutong sagupaan bandang alas- 6 ng umaga, bago nagpasyang umatras ang mga NPA at iwan ang kanilang mga patay na kasamahan, kabilang ang isang sugatan na kasalukuyang nilalapatan ng lunas sa Regional Health Unit.


Target ng manhunt operation ang mga tumatakas na NPA pahayag pa ni Maj. Roldan.

“With this accomplishment, the AFP is inching closer to ending the communist threat in the province,” 9ID Commander MGen Adonis Bajao said.


“MGen Bajao is saddened by this kind of incident. We cannot disregard the threat of terrorism that affects our community. Hence, we continue to call on the members of the CTG and encourage them to surrender so that they can be with their loved ones and live a peaceful life, ” sabi pa ni Maj Roldan.


Tags: New People's Army

You May Also Like