7 CHINESE FISHERMEN, ISANG US CITIZEN, NI-RESCUE NG PCG

Pitong Chinese fishermen at isang U.S national ang na-rescue ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa magkahiwalay na rescue mission.

Ayon kay Commodore Armand Balilo, taga pagsalita ng PCG may 7 Chinese fishermen ang kanilang sinaklolohan mula sa kanilang nasirang sasakyan sa dagat sakop ng Guiuan, Eastern Samar.

Nabatid na nakatangap ng report ang PCG bandang alas 2;00 kamakalwa ng hapon hinggil sa nasiraang Chinese fishing vessel.


Kahapon bandang alas 11:00 ng umaga ay hinatak ng BRP Cabra ng coast guard ang fishing vessel ayon sa ibinahaging ulat ni PCG’s spokesperson for the West Philippine Sea, Commodore Jay Tarriela papuntang tacloban port.

Hindi pa malinaw kung mga iligal na nangingisda ang mga sinagip na Chinese nationals sa karagatang sakop ng Philippine waters ayon sa tagapagsalita.

“Kapag distressed call kasi, kahit sino pang merong hindi tayo pagkakaunawaan, pero if it is a distressed call or need for search and rescue, wala tayong pinag-uusapang issue. Tutulungan at tutulungan natin,” ani Balilo.

Kamakalawa ay ipinagmamalaki ng China na may isang Pilipinong mangingisda ang kanilang nasagip habang palutang lutang sa dagat nitong nakalipas na linggo na kanila pang ipinaskil sa kanilang China Embassy FB page.


Ayon kay Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian sa kanyang FB post: “I have always said that China and the Philippines are friendly neighbors separated by a strip of water. This inspiring story of our friendship and emergency assistance at sea show how our ties go above and beyond expectations.”

Samantala sinagip ng mga tauhan sa Philippine Coast Guard (PCG) ang isang US citizen nang magkaaberya ang sasakyang pandagat nito sa Pacific Ocean, sakop ng Surigao Del Norte matapos na makipag ugnayan ang U.S. Coast Guard Sector-Guam sa PCG-manned Maritime Rescue Coordinating Center-Manila para sa kaukulang tulong.

Sakay ng isang watercraft sa Pacific Ocean, 140 milya ang layo mula sa Daku Island, General Luna, Surigao del Norte, nang masira umano ang propeller ng sasakyang pandagat na “MI AMOR” habang naglalayag ito mula Palau patungo sa Pilipinas.

Agad namang nagpadala si PCG Commandant, Coast Guard Admiral Artemio Abu, ng Coast Guard aircraft upang matunton ang lokasyon ng nasiraang personal watercraft.


Bagama’t naayos ng skipper na si Dan Michaels ang propeller ng nasabing sasakyang pandagat, tumulak pa rin ang BRP Panglao (FPB-2404) at BRP Cabra (MRRV-4409) sa nasabing lugar para sa kinakailangang tulong.

“We assured the U.S. Coast Guard Sector-Guam that we will render appropriate assistance to Mr. Michaels and ensure that he will return home in good physical condition,” pahayag ni Admiral Abu. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)

Tags: Philippine Coast Guard (PCG)

You May Also Like

Most Read