Pitumput pitong (47) indibidwal na pinaghahanap ng batas ang nahuli ng mga operatiba ng Quezon Police Provincial Office (PPO) sa kanilang tuloy-tuloy na manhunt operation na ikinasa mula Hulyo 9-15, 2023.
Ayon sa Provincial Director ng Quezon PPO na si PCOL Ledon D Monte ang Lucena CPS na nakahuli ng sampung (10) wanted person ang nakapagtala ng pinakamataas na huli para sa linggong nakalipas. Sinundan naman ito ng Calauag MPS na nakahuli ng lima (5) at Pagbilao MPS na nakahuli naman ng tatlo (3).
Ayon naman sa datus mula sa Provincial Operations Management Unit (POMU) ng Quezon PPO, sa mga nahuling wanted person, apat (4) dito ay nakatala bilang Most Wanted Persons: isa (1) sa Regional Level, isa (1) sa Provincial Level, at dalawa (2) sa Municipal Level.
Ayon kay PCOL Monte, ang pagkakaaresto sa mga nasabing wanted person ay bilang bahagi ng pinaigting na kampanya ng Quezon PPO laban sa kriminalidad.
“Ang pagkakaaresto ng mga nasabing wanted persons ay simula ng paggulong ng hustisya para sa kanilang mga biktima… ito na rin ang pagkakataon upang makasagot sila sa mga kasong kinakaharap nila,” ayon kay PCOL Monte.