Bunga ng pinaigting na pagpapatupad ng batas ng Quezon Police Provincial Office, 35 indibidwal ang arestado sa iba’t ibang kampanya laban sa ilegal na mga gawain.
Sa kampanya kontra ilegal na sugal, arestado ng Quezon PNP ang 25 indibidwal sa pitong magkakahiwalay na operasyon, kung saan 15 ang naaresto dahil sa pagkakasangkot sa Tong-its sa Brgy. 5 Poblacion Quezon, Quezon, Brgy. Tubas Unisan, Quezon, Brgy. Villa Nava Gumaca Quezon, Barangay Poblacion, Burdeos, Quezon, at Barangay Amot, Burdeos, Quezon. Nadakip din ang apat pang indibidwal dahil sa ilegal na Bet Game sa Brgy. Pinagbayanan, Pagbilao, Quezon at (6) naman sa paglalaro ng Drop balls sa Brgy. F De Jesus Unisan, Quezon.
Sa natalang ulat ng Quezon PNP, tiklo ang dalawang most wanted persons para sa kasong paglabag sa RA 9262 sa Brgy. Paang-Bundok, Plaridel, Quezon at Purok Dama De Noche, Brgy. Domoit, Lucena City, isang MWP para sa kasong Unjust Vexation sa Poblacion 1,Real, Quezon at (1) MWP para naman sa kasong Theft sa Barangay Poblacion San Antonio Quezon.
Samantala, sa kampanya para sa pagpapatupad ng Special Laws kontra droga, timbog din ang dalawang suspek sa dalawang magkahiwalay na buy-bust operations na isinagawa ng Tiaong PNP sa Brgy. Quipot, Tiaong, Quezon.
Kumpiskado mula sa pag-iingat ng suspek; apat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na may MOL na timbang na 0.85 at halagang P20,740 SV at boddle money at Brgy. Lalig, Tiaong, Quezon; kumpiskado mula sa posesyon ng suspek ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na may MOL na timbang na 0.33 at halagang P 6,732 SV dahil sa paglabag sa RA 9165.
Ganun din naman walang kawala ang dalawang drug suspects sa dalawa pang operasyon na inilatag ng Quezon Pulis sa Brgy. Ilayang Nangka, Tayabas City. Kumpiskado mula sa posesyon ng suspek angapat na piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na may MOL na timbang na 0.5 at halagang P10,200 SV at blue coin purse na naglalaman ng boodle money.
Sa Brgy. Kalubakis, Polillo,Quezon, kumpiskado mula sa posesyon ng suspek ang tatlong piraso ng heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substance na hinihinalang shabu na may MOL na timbang na 0.08 at halagang Php 3,000 SV at boddle money.
Sa naitalang ulat para sa crime incidents, walang kawala din ang dalawang suspek dahil sa kasong Slight Physical Injury (Mauling Incident) sa Brgy. 10, Lucena City at Theft of wires sa Brgy Gulang-Gulang Lucena City. Ang lahat ng mga naarestong suspek ay nasa ilalim ng pangangalaga ng mga responsableng istasyon para sa tamang dokumentasyon at proseso ng paglilitis.
“Tuwiran at patuloy na maglilingkod ng tapat at tama ang Quezon PNP para gampanan ang mga nakaatang na mga tungkulin. Hindi kami titigil na puksain ang anumang uri ng kriminalidad sa ating lalawigan, lalo na para bantayan at supilin ang mga banta sa seguridad at kaayusan ng pamayanan ng Quezon. Mananatili at maaasahan niyo ang buong kapulisan ng Quezon na patuloy na sumusuporta at magpapatupad ng abot-serbisyo publiko sa buong nasasakupan.” ikani PCOL Villanueva, Probinsyal Director ng Quezon PPO. (VICTOR BALDEMOR)