34 INDIBIDWAL, ARESTADO SA PINA-IGTING NA OPERATION NG QUEZON PULIS

DAHIL sa pinaigting na pagpapatupad ng batas ng Quezon Police Provincial Office, 34 na indibidwal ang nadakip sa iba’t- ibang kampanya laban sa mga iligal na mga gawain.

Sa isinagawang operasyon laban sa mga most wanted persons, nadakip ang tatlong suspek para sa kasong Theft sa Brgy Poblacion, Candelaria, Quezon, kasong Light Threats sa Brgy 10, Lucena City at paglabag sa PD 1602 sa Brgy San Lorenzo, Mauban, Quezon.

Sa inilabas na datos ng PNP, arestado ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 8353 sa Purok 3A, Brgy Dalahican, Lucena City at RA 7610 sa Brgy Sibulan, Polillo, Quezon. Ganun din naman, walang kawala sa quick-response police operation ang limang indibidwal sa kasong Theft Incident na nahuli sa Brgy Binahaan, Pagbilao, Quezon.


Sa isinagawang malawakang operasyon laban sa Ilegal na mga pagsusugal, naaresto ang 23 suspek dahil sa pagkakasangkot sa ilegal na gawaing Tong-its, Roleta, bingo, Cara y Cruz, at Bookies sa Lucena City, Tayabas, City, Macalelon, Unisan, Panukulan, Real, Catanauan, at Pitogo, Quezon.

Samantala sa pinalakas na pagpapatupad ng Other Special Laws, arestado ang isang indibidwal para sa paglabag sa RA 10593 sa Brgy Pulo San Antonio, Quezon.


“Natapos nanaman ang isang katala-talang pangyayaring 2022 National and Local Elections sa kasaysayan ng ating bansa buhat sa resulta ng ating puspusan at pinaigting na pagpapatupad ng batas para siguraduhin ang kapayapaan, kaligtasan, at kaayusan ng pamayanan. Ngunit, ikanga, hindi dito nahihinto ang aming tungkulin, bagkus ito’y isa lamang sa pagpapatunay na nagagampanan ng Quezon PNP ang bawat tungkulin para sa isang pantay na pampublikong serbisyo at katitiwala-tiwalang sandigan ng komunidad.” Ani ni PCOL JOEL A VILLANUEVA, Provincial Direktor ng Quezon PPO. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Quezon Police Provincial Office

You May Also Like

Most Read