Latest News

32 INDIBIDWAL, ARESTADO SA 1 ARAW NA PINA-IGTING NA OPERASYON NG QUEZON POLICE

Camp Guillermo Nakar, Lucena City – Bunga ng pinaigting na pagpapatupad ng batas ng Quezon Police Provincial Office, tatlumpu’t dalawang (32) indibidwal arestado sa iba’t ibang kampanya laban sa ilegal na mga gawain.

Sa kampanya kontra ilegal na sugal, arestado ng Quezon PNP ang dalawangpu’t dalawang (22) indibidwal sa pitong (7) makakahiwalay na operasyon, kung saan labing-apat (14) ang naaresto dahil sa pagkakasangkot sa Jueteng o Bookies (paglabag sa RA 9287) sa Brgy Manato Station at Brgy Aldavoc, Tagkawayan, Quezon, Brgy Sta. Milagrosa at Brgy Buli, Calauag Quezon. Nadakip din ang (6) pang indibidwal dahil sa ilegal na Tong-its sa Brgy 07, Catanauan, Quezon at Brgy Lita, Phase 3 Tayabas City. Samantala, (2) naman ang nahuli sa aktong paglalaro ng Poker sa Brgy Biga, Pitogo, Quezon.


Sa natalang ulat ng Quezon PNP kontra Most Wanted Persons, nasakote ang Municipal Level # 8 MWP ng Tagkawayan, Quezon sa kasong Homicide sa Brgy Langkiwa, Biñan Laguna.

Samantala, sa operasyong pagpapatupad ng Special Laws kontra droga, timbog ng operatiba ng Sariaya PNP ang dalawang (2) drug suspects dahil sa paggamit ng pinagbabawal na gamot sa isang abandonadong bahay sa Brgy. Población 5, Sariaya, Quezon, kung saan nakumpiska sa posesyon ng mga suspek ang drug paraphernalias; (1) piraso ng unsealed transparent plastic sachet na naglalaman ng residue ng hinihinalang shabu at (2) piraso ng aluminum foil na naglalaman ng residue ng hinihinalang shabu. Sa isa pang hiwalay na operasyon ng Pagbilao PNP walang kawala ang isa pang drug suspect sa Brgy Bukal Pagbilao, Quezon, kung saan nakumpiska sa posesyon ng suspek ang isang (1) piraso ng HTSP na naglalaman ng hinihinalang shabu na may humigit-kumulang na timbang 0.52 gramo na may halagang MOL DDB value na Php. 3,526.00. Ang mga naarestong mga suspek ay kasalukuyang nasa ilalim ng pangangalaga ng responsableng stasyon at sasailalim sa naaakmang proseso ng dokumentasyon at paglilitis. Ganun din naman ang naturang mga drug suspects ay nahaharap sa kasong paglabag sa Section 5,12, at 15 Article ll ng Republic Act 9165.

Sa natalang ulat para sa paglalatag ng Iba Pang Special Laws, walang kawala din ang anim (6) na suspek dahil sa kasong paglabag sa Illegal Possession of Firearm (RA 10591) sa Brgy Guis-Guis Talon, Sariaya, Quezon at paglabag sa PD705 (FORESTRY REFORM CODE OF THE PHILIPPINES) sa Brgy Dapdap, Tayabas City.


Ang lahat ng mga naarestong suspek ay nasa ilalim ng pangangalaga ng mga responsableng stasyon para sa tamang dokumentasyon at proseso ng paglilitis.

“Tuwiran at patuloy na maglilingkod ng tapat at tama ang Quezon PNP para gampanan ang mga nakaatang na mga tungkulin. Hindi kami titigil na puksain ang anumang uri ng kriminalidad sa ating lalawigan, lalo na para bantayan at supilin ang mga banta sa seguridad at kaayusan ng pamayanan ng Quezon. Mananatili at maaasahan niyo ang buong kapulisan ng Quezon na patuloy na susuporta at magpapatupad ng abot-serbisyo publiko sa buong nasasakupan.” ikani PCOL Villanueva, Probinsyal Director. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Quezon Police Provincial Office

You May Also Like