3 KASAPI NG BARANGAY PEACE KEEPING FORCE PATAY SA PAMAMARIL

DINILIG ng dugo ang halalan sa Mindanao nang pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salarin ang tatlong miyembro ng barangay peacekeeping action team (BPAT) habang isa pa ang malubhang nasugatan matapos ang nangyaring shooting incidente malapit sa isang polling precinct sa bayan ng Buluan sa Maguindanao kahapon ng umaga

Sa ulat na ibinahagi ng 16th Military Intelligence Company (16th MICO) isagawa ang pamamaril sa may likurang bahagi ng Pilot Elementary School sa Buluan, ilang sandali lamang makaraang tumulong ng mga kasapi ng BPAT members sa pagbabantay sa polling precinct sa isang paaralan.


Sa ulat naman ni Col. Jibin Bongcayao, Maguindanao provincial police director, nahinto pansamantala ang botohan sa Buluan Central School kasunod ng nangyaring pamamaril bandang alas 8:15 kahapon ng umaga.

Nabatid na opisyal na naka duty ang apat na BPAT sa area nang sumalakay ang mga suspek lulan ng dalawang van na biglang huminto sa kanilang tapat at saka pina-ulanan sila ng bala.Dead on the spot ang tatlo habang sugatan naman ang isa pa.

“Accordingly, two white vans relentlessly fired their guns (believed to be rifles) to the BPATs who were in duty status at Pilot Elem School. After which, the said perpetrators withdrew to unspecified location,” ayon sa 16th MICO initial report.


Hinihinalang pananabotahe sa eleksyon o kasong pulitikal ang motibo ng mga salarin dahil sinasabing pawang supporters umano ng reelectionist at incumbent Buluan Mayor Babydats Mangudadatu ang mga biktima.

Kapwa nagsasagawa ngayon ng pagsisiyasat ang PNP at military sa pangyayari para tukuyin ang mga nasa alikod ng pamamaril. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: 16th Military Intelligence Company (16th MICO)

You May Also Like