Latest News

3 bata patay sa road mishap

DEAD– on- arrival sa hospital ang tatlong menor de edad na lalaki matapos mabangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa kasalubong na sasakyan sa Dumarao, Capiz, madaling araw ng Linggo.

Sa ulat ng Capiz- PNP, nasa edad 12 ang dalawa sa mga nadisgrasya, habang 13 taong gulang naman ang isa nilang kasamahan.


Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ng motorsiklo ang mga biktima at pagdating sa pinangyarihan ng aksidente, bigla silang lumiko pakaliwa at nabangga ng isang paparating na sasakyan.

Sa lakas ng impact ay tumilapon sa kalsada ang mga biktima.

Mabilis namang rumesponde ang mga awtoridad at agad dinala sa ospital ang mga biktima, pero idineklara ang mga itong dead- on-arrival dahil sa mga tinamong sugat sa kanilang ulo.


Mabilis umano ang pagpapatakbo ng driver ng sasakyan nang mangyari ang insidente, ayon sa mga awtoridad.

Wala naman umanong suot na helmet ang mga biktima nang mabangga sila ng sasakyan.


Nasa kustodiya na ng Dumarao police ang driver ng sasakyan habang hinihintay ang desisyon ng mga pamilya ng mga biktima kung magsasampa ng kaso. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Capiz- PNP

You May Also Like