25 INDIBIDWAL NA SANGKOT SA ILEGAL NA SUGAL AT 1 DRUG SUSPEK, ARESTADO SA 1 ARAW NG OPERASYON NG QUEZON POLICE

Camp Guillermo Nakar, Lucena City – Sa isang araw na malawakang operasyon ng Quezon Police Provincial Office; nagresulta ng pagkakaaresto sa 25 indibidwal at isang drug suspek kontra ilegalidad sa buong nasasakupan ng lalawigan ng Quezon.

Sa malawakang pag-iimplementa ng kampanya kontra ilegal na mga sugal, arestado ng Quezon Pulis ang 25 indibidwal sa 9 na magkakahiwalay na mga operasyon.


Batay sa ulat, pitong suspek ang walang kawala matapos mahuli sa aktong paglalaro ng Tupada o Illegal Cockfighting sa Brgy. Talisoy, Jomalig, Quezon at Brgy. Poblacion, Patnanungan, Quezon; 11 suspek ang nadakip dahil sa pagkakasangkot sa paglalaro ng Ilegal na Tong-its sa Brgy. Poblacion 61, Real Quezon, Brgy. Madulao, Catanauan, Quezon, Brgy. Calimpak, Guinayangan, Quezon, at Brgy. Walay Padre Burgos Quezon. Sa paglabag sa RA 9287 (Bookies), arestado ang anim na suspek matapos masangkot sa illegal na bookies sa Brgy. Talaan Aplaya, Sariaya, Quezon at Purok Masagana, Brgy Ibabang Iyam, Lucena City. Ganun din naman, arestado ang dalawa pang indibidwal dahil naman sa ilegal na paglalaro ng cara y c ruz sa Brgy Pag asa Pitogo, Quezon.

Samantala, sa hiwalay na operasyong kampanya kontra Ilegal na droga, timbog din ang isang drug suspek sa inilatag na buy-bust operation ng PDEU-Quezon PNP sa Brgy. Ibabang Dupay, Lucena City, Quezon, kung saan aktong nahuli ang suspek sa pagbebenta sa isang operatiba.

Nasamsam mula sa suspek ang mga sumusunod; isang piraso ng transparent plastic sachet na naglalaman ng white crystalline substances nang hinihinalang shabu (buy-bust item), tatlong piraso ng transparent plastic sachets na naglalaman ng white crystalline substances na hinihinalang shabu na may humigit-kumulang na timbang na 5.26 gramo at halagang P25,768, isang piraso ng itim na coin purse, isang unit ng Honda Beat motorcycle na kulay itim at abo at isang piraso ng P500 na ginamit bilang boodle money na may serial number na SB764703.


Ang pag-iimbentaryo naman ng mga ebidensya ay isinagawa sa presensya ng mga witness na kinatawan ng barangay officials ng nasabing lugar at local media practitioner na si Rapido Yasa.

Sa kasalukuyan, ang lahat ng mga naarestong suspek ay nasa ilalim ng pangangalaga ng mga responsableng mga operating unit police station para sa tamang dokumentasyon at proseso ng paglilitis.


“Kaugnay sa tuwirang pagsunod at pagpapatupad ng batas ayon sa Peace and Order Framework (MKKK=K) ni CPNP PGen. Rodolfo Azurin, Jr., patuloy na maglilingkod ng tapat at tama ang Quezon-PNP para gampanan ang mga nakaatang na mga tungkulin,” pahayag ni PCol. Joel Villanueva, Quezon PNP Provincial Director.

“Hindi kami titigil na puksain ang anumang uri ng kriminalidad sa ating lalawigan, malawakang babantayan at susupilin namin ang mga banta sa seguridad at kaayusan ng pamayanan ng Quezon. Gayundin naman, mananatili at maaasahan ninyo na ang buong kapulisan ng Quezon aya patuloy na susuporta at magpapatupad ng abot-serbisyong publiko sa buong nasasakupan,” dagdag pa ni Col Villanueva. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Quezon Police Provincial Office

You May Also Like

Most Read