Latest News

21 KATAO, ARESTADO SA PINAIGTING NA OPERATION NG QUEZON-PNP

BUNGA ng pinaigting na kampanya ng Quezon-PNP laban sa ibat-ibang ilegal na gawain, 21 indibidwal ang arestado.

Sa kampanya kontra mga Most Wanted Persons, apat ang arestado kabilang ang Rank 10 Provincial MWP na nadakip ng Calauag MPS sa kasong Sexual Abuse at sa Sariaya Quezon nadakip ang MWP sa kasong acts of lasciviousness.

Nahuli naman sa Lucena City ang isang MWP sa paglabag sa National Internal Revenue Code at inihain ng Pagbilao MPS ang Warrant of Arrest sa isang suspek na kasalukuyang nakakulong sa Custodial Facility ng Rodriguez MPS sa kasong Homicide.


Sa kampanya kontra Ilegal na sugal, 12 ang nahuli habang aktong nagsusugal, walo ang nahuli dahil game illegal na tupada samantalang apat naman STL bookies. Sa kampanya kontra Ilegal na droga, dalawa ang nahuli at nakasuhan ng Violation of RA 9165 sa Lucena at Sariaya, Quezon.

Sa mga reported crime Incidents, isa ang nahuli ng Quezon- PPO sa attempted homicide at BP 6 sa Brgy Balay-Balay, Mauban, Quezon.


Sa kampanya kontra sa iba pang special laws, isa ang nahuli sa paglabag sa RA 8048 sa Pitogo, Quezon at sa Brgy. Dalahican Lucena, City isa ang nahuli sa paglabas sa PD 705.

“Ang iba’t-ibang operasyon na aming ginagawa ay bahagi ng pagsisikap ng PNP bilang paghahanda sa paparating na National and Local Elections 2022 gayundin ang aming pagtitiyak sa publiko na magiging maayos at mapayapa ang buong probinsya ng Quezon ngayong darating na halalan,” ani PCol. Villanueva, Provincial Director ng Quezon PPO. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Quezon-PNP

You May Also Like

Most Read