DALAWANG umano’y kasapi ng Communist Terrorist Group (CTG) ang napaslang habang dalawang high-powered firearms ang na-recover matapos ang matinding sagupaan sa pagitan ng 29th Infantry (MATATAG) Battalion, Philippine Army at CPP armed wing New Peoples Army sa Brgy. Jaliobong, Kitcharao, Agusan del Norte kamakalawa ng gabi.
Una rito ay nakatangap ng intelligence report at sumbong mula sa mga residente ang Army 29th IB hinggil sa presensiya ng CTGs sa Barangay Jaliobong na paulit-ulit na nangingikil ng pinansyal at materyal na tulong sa mga residente.
Agad na naglatag ng combat operations ang tropa ng pamahalaan na nauwi sa engkwentro nang masabat nila ang may 15 Communist Terrorist Group members.
Matapos ang ilang minutong bakbakan , tumakas ang mga NPA at inabandona ang bangkay ng dalawa nilang kasamahan na kinilalang sina Samuel N. Batican, isang top-ranking CTG leader at isang alias Yawming, na sinasabing isa ring armed member ng CPP-NPA .
Nakuha sa clearing operation ang isang Colt AR15 rifle, isang Winchester M14 rifle, dalawang cellular phones, mga pagkain at iba pang supplies.
Sinasabing ang grupong nakasagupa ng mga sundalo ang siyang naatasan na maghanap ng pagkain at iba pang mga pangangailan ng North Eastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) at kanilang mga cadres.
Ayon kay Col. Jason M. Saldua, Battalion Commander ng 29IB, “We are grateful to the residents for tipping off the locations of the terrorists and the activities that they are doing in the area.” In that way, we are able to immediately respond to the reports of the civilians. Rest assured that as we follow the EO 70 (whole-nation approach & instruction to end the local armed conflict (ELCAC) ) of the President, we can together end this long terroristic and extortionist activities of CTGs in Agusan del Norte. (VICTOR BALDEMOR)