2 teroristang Abu Sayyaf nalambat sa Zamboanga

Dalawang most wanted na miyembro ng Abu Sayyaf terror group ang nadakip sa isang operasyon ng Philippine National Police Special Action Force sa Zamboanga del Norte noong Biyernes.

Kinilala ang naarestong mga suspect na sina Madjini Baterol alias ‘Majini’ at Anderson Hassan alias ‘Sabaya.


Si Baterol ay ang ikatlo sa most wanted sa Western Mindano habang si Hassa ay ikalimang most wanted.

Ni -raid ng mga miyembro ng 85th Special Action Company ng SAF Rapid Deployment Battalion ang hideout ng dalawa sa Bgy. Candelaria, Liloy, Zamboanga del Norte na nagresulta sa pagkakadakip sa kanila na kapwa may warrant of arrest sa kasong murder at kidnapping na inisyu ng Zamboanga del Norte Regional Trial Court .


Tags: Philippine National Police Special Action Force

You May Also Like