2 CHINESE NATIONAL, HULI SA PAGDUKOT SA VIETNAMESE AT KAPWA TSINO

INARESTO ng mga tauhan ng Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) ang dalawang Chinese national na kumidnap sa isang Vietnamese at isang kapawa Intsik .

Kinilala ni AKG Director PBGen. Rudolph B. Dimas ang mga suspek na sina: Huang Jun, 26; at Lu Zhillin, 22 anyos; parehong Chinese nationals na tumutuloy sa Clark Majestic World, Mabalacat, Pampanga.

Lumilitaw sa pagsisiyasat na puwersahang tinangay ng dalawang suspek ang Vietnamese national na si Vo Nguyen Huyen Chau nitong May 11 sa PBCom Building sa Makati, na narekober ng AKG nitong May 13, matapos pakawalan ng mga kidnapper.


Base sa binigay na pahayag ng biktima sa AKG na dinala siya ng mga kidnaper sa Clark Majestic World, Pampanga, dahilan para mag-deploy ang AKG ng mga operatiba sa lugar.

Dito nila naaresto ang dalawang suspek na may kasamang isang Chinese na naka-posas na lumalabas na panibagong kidnap victim, na kinilalang si Li Jin Le.


Kasalukuyang nasa kustodiya ng AKG ang mga suspek na nahaharap sa kasong kidnapping and serious illegal detention. (VICTOR BALDEMOR)


Tags: Philippine National Police – Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG)

You May Also Like

Most Read