Proteksyon laban sa bank fraud syndicate, hiling ng OFWs sa NBI

Humingi ng tulong sa National Bureau of Investigation (NBI) ang isang consumer organization para maprotektahan ang mga Overseas Filipino Workers at mga lokal na empleyado laban sa international bank fraud syndicate.

Ayon sa Action for Consumerism and Transparency in Nation Building (ACTNB),target umano ng sindikato na ito,ang mga bank accounts ng OFWs at mga lokal na empleyado .


Na-alarma umano ang ACTNB, partikular na para sa mga tatanggap ng kanilang bonus na mga empleyado at magpapadala ng mas malaking remittance money.

Nag-aalala umano ang ACTNB na mahulog sa kamay ng mga sindikato ang mga pinaghirapan na pera ng mga OFWs at empleyado.

Naniniwala ang ACTNB na ang buwan ng Disyembre,ang pinaka-mainam na oportunidad para sa malawakang scams dahil sa 2023 ay mahihirapan na itong isagawa ng sindikato dahil sa ang SIM Card Registration Act ay ipatutupad na.


” It is a now or never situation for them and this is why we see the recent rise in unabated SMS scams, which we feel will lead to getting people OTPs and consequently access to the victims’ bank accounts,” ayon sa ACTNB.

” We humbly request for the NBI to start going after these criminals. We hope that leading
to the holidays, authorities arrest as many as they can to not only weaken their network, but also to send the message that the government is serious in its crackdown against
online financial scammers,”dagdag pa ng ACTNB.


Umaasa ang grupo na sa gagawing aksyon ng NBI ay hindi na muling mauulit ang nangyari noong nakalipas na taon kung saan maraming nabiktima ang masasamang elemento. (Carl Angelo)


Tags: National Bureau of Investigation (NBI)

You May Also Like

Most Read