By Tony Gildo
Muling pinagtitibay ng Department of Migrant Workers (DMW) ang protective measures para sa mga tripulanteng Pilipino na apektado o ‘exposed’ sa umiiral na security situation sa Northern Black Sea.
Hinihikayat ng DMW ang lahat ng mga Pinoy Seafarers, Licensed Manning Agencies (LMAs), foreign principals, employers, shipowners at masters of vessels na mahigpit na sundin ang mga hakbang na nakapaloob sa DMW Advisory No. 50, Series of 2026.
Paliwanag ng DMW layunin nito upang mas mapanatili ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga Pinoy seafarer.














