Latest News

PROTECTION AND WELFARE FUND PARA SA MGA BUMBERO, ISINUSULONG NG ABP

By: Philip Reyes

Sino ang sasagip sa mga tagapagligtas nating bumbero kapag kaligtasan at buhay nila ang naging kapalit sa pagsuong sa panganib kapag may sunog?

Ito ang tanong na nag-udyok kay Dr. Jose Antonio”Ka. Pep”Goita, first nominee ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) para irepresenta ang mga bumbero, fire rescuers at volunteers sa darating na eleksyon sa Mayo 2025.

Sinabi pa ni Goitia na nakita niya ang malaking sakripisyo ng mga ito na makapagligtas ng buhay ng iba sa pamamagitan pagresponde at pagsuong sa panganib. Hindi aniya nila alintana ang makakapal na usok, matinding init at ang posibleng pagguho ng mga bahay at gusali kapag may sunog subalit kapag sila na mismo ang naaksidente , napapabayaan sila ng sistemang kanilang pinaglilingkuran.


“Dapat nang pagtuunan ng pansin ang ganitong sitwasyon at hindi dapat ipagwalang-bahala lalo na sa panahong sila naman ang lubos na nangangailangan ng tulong kaya marami kaming mabigyang ng pansin ang kalagayan ng mga fire and rescue volunteers pahayag ni Goitia.

Nararapat lamang umanong matugunan ang kanilang mapanganib na kondisyon, maliit na hazard pay at madalas na hindi sapat na insurance coverage para matustusan ang kanilang pagpapagamot. Sa maraming pagkakataon, napipilitan na umano silang sila mismo ang sumagot sa kanilang gastusin , humingi ng donasyon upang makabayad sa ospital o kaya ay mangutang, ayon pa kay Goitia.


“Hindi makatarungan ang mababang hazard pay kumpara sa mga sakrispisyong ginagawa nila. Sila ang tumatakbo papasok sa nagliliyab na gusali habang lahat ay tumatakbo palabas” saad ni Goitia

Marami umanong bumbero ang walang maayos na accident at life insurance mula sa gobyerno kaya kung sila naman ang maaksidente at mamatay sa tungkulin ay hindi sapat para matustusan ang kanilang matagal na gamutan o masuportahan ang kanilang mga naiwang mga mahal sa buhay, ayon pa kay Goitia.


Dahil diyan ay isinusulong ng Ang Bumbero ng Pilipinas (ABP) partylist ang pagpapatupad ng Firefighters’ Protection and Welfare Fund na magtitiyak na makakatanggap ng libreng pagpapagamot, benepisyo sa ospital at pinansyal na tulong ang mga bumbero, fire rescuers at volunteers na nasugatan habang rumeresponde sa mga sunog. Kabilang din dito ang panukalang disability support at mental health care para sa mga nakaranas ng trauma sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

“Dapat na tratuhin silang mga bayani at hindi sapat na tawagin lamang silang bayani. Hindi sila nagdadalawang- isip na isugal ang kanilang buhay para sa mga taong hindi nila kilala.Ang pinakamaliit na magagawa natin ay kung sila ay nasasaktan, may sistema na aalalay sa kanila at ipakita na ang kanilang pagsasakripisyo ay may halaga.

Ayon pa kay Goitia, isusulong din ng ABP ang pagbibigay ng mas maayos na pagsasanay at tuloy -tuloy na training upang mas maging handa sila sa pagresponde sa mga sakuna at magkaroon ng de -kalidad na kagamitan upang mas mabawasan ang panganib at magkaroon ng mas ligtas na kundisyon sa trabaho. Ito ay mga paraaan upang maprotektahan sila bago pa may maganap na aksidente habang sila ay gumaganap sa kanilang tawag ng tungkulin.

Tags: Dr. Jose Antonio"Ka. Pep"Goita

You May Also Like

Most Read