Latest News

Proklamasyon ng nanalong Senador, tuloy na sa Miyerkoles

TULOY na umano ang proklamasyon ng 12 nanalong Senador at partial proclamation ng mga nagwaging party-list sa Miyerkoles,ganap na alas 4 ng hapon sa Philippine International Convention Center sa Maynila.

Ito ang inihayag ni Commission on Election(Comelec) Commissioner George Garcia ,lima lamang ang maaring isama ng mga nagwaging Senador,kabilang na ang kanilang documentation officer.

Gayundin,kinakailangan na magsumite ng vaccination card ang.mga Senador at kanilang mga kasama.


Samantala hindi naman maipu-proklama ang mga partylist dahil kinakailangan pang hintayin ang resulta ng magaganap na election sa Lanao del Sur.

Posible kasi umanong makaapekto sa kanilang boto ang magiging resulta ng halalan na.magaganap sa Mayo 24.

Nabatid na sa natapos na halalan patuloy na nanguguna ang aktor na si Robin Padilla na sinundan ni Rep.Loren Legarda. (Jaymel Manuel)


Tags: Commission on Election(Comelec)

You May Also Like

Most Read