Pinuri ni Priscilla Meirelles ang estranged husbandn John Estrada bilang isang mabuting ama, pero wala nang balikan na mangyayari sa kanilang dalawa.
Diretsahang sinabi ni Priscilla na hindi na sila magkakabalikan ni John. Lumipat na raw sila ng tirahan ng anak nilang si Anechka, bilang patunay na tapos na ang kanilang relasyon. Nanatili silang magkaayos para sa kapakanan ng anak, lalo na sa mga mahahalagang okasyon gaya ng 14th birthday ni Anechka.
Sa panayam ni Karen Davila, mariin niyang sinabi na kung umaasa pa siyang magkakabalikan sila, hindi raw sana niya iiwan ang bahay na tinirhan nila noon. But, despite the fact, pinuri pa rin niya si John bilang isang mabuting ama sa kanilang anak. Para kay Priscilla, ang kanilang anak ay hindi dapat madamay sa anumang sigalot nila bilang mag-asawa.
Aniya, mahalaga pa rin na maging present si John sa mga mahahalagang sandali ng kanilang anak, at ito ang dahilan kung bakit nananatiling maayos ang kanilang relasyon bilang mga magulang.