Latest News

PRIME SUSPECT SA SULTAN KUDARAT MASSACRE SUMUKO SA PHIL, ARMY

HAWAK na ngayon ng Sultan Kudarat PNP ang sinasabing prime suspect at isa sa tatlong armado kalalakihan na walang awang namaril sa isang pamilya na ikinamatay ng apat katao kabilang ang dalawang menor de edad sa bayan ng Lebak, Sultan Kudarat.

Kasalukuyang nakakulong ngayon sa Lebak Municipal Police Station ang suspek na kinilalang si Dinder Saludin Racman, 31-anyos na residente ng Sitio Tuka, Barangay Datu Karon, Lebak, Sultan Kudarat.

Sa pakikiapg ugnayan ng 57th Infantry Battalion, Philippine Army, sumuko ang suspek kay Uztads Wahad Hussien, MILF-CCCH (Moro Islamic Liberation Front – Coordinating Committee on the Cessation of Hostilities at itinurn-over sa Lebak Municipal Police Station (MPS).

Ayon kay kay Lt. Col. Jon Pondanera, Brigade Commander ng Army 57th Infantry Battalion, bunsod ng matinding pressure na ginawa ng Philippine Army, MILF-CCH, Lebak MPS at Lebak-local government unit ay nagpasyang sumuko si Racaman.

Subalit itinanggi ni Racman na kasama ito sa mga pumatay sa apat na biktima at sa halip tinuro nito ang dalawang kasamahan na agad tumakas matapos ang krimen sakay ng kanyang Bangka na target na ng manhunt operation .

Magugunitang apat sa pamilya Capiceño ang nasawi na kinabibilangan ng mag-asawa at dalawang apo nito nang pagbabarilin sila sa area na sakop ng MILF 104th Base Command Community na ngayon ay mayroon nang mahigpit na seguridad.

Hindi pa rin matukoy ng mga otoridad ang motibo ng pamamaril dahil sa ayaw akuin ng sumukong suspek ang krimen.

Kasalukuyan namang nahaharap sa kasong multiple murder at paglabag sa Sec. 3 par. (2) ng Presidential Decree 1613 o Crime of Arson na walang inirekomendang piyansa ang suspek. (VICTOR BALDEMOR)

Tags:

You May Also Like

Most Read