Primary vaccines, wala nang bisa sa Omicron subvariant

Wala nang silbi ang naunang 1st at 2nd dose ng COVID-19 vaccines para kontrahin ang sa Omicron variant BA.5 at bagong Omicron subvariant BA.2.75.

Ito ang binigyan-diin ni Infectious diseases expert Dr. Rontgene Solante, kaya dapat na umanong magpa-booster shot ang publiko.


“The current Omicron variant BA.5 is different from previous variants of concern and definitely, yung primary vaccine series natin doesn’t work anymore. That’s the importance of getting booster doses,”ayon kay Solante.

Kasabay nito,sinabi ni Solante na ang bagong Omicron subvariant BA.2.75 ay nakapasok na sa 10 hanggang 12 na bansa, kabilang na ang India.

” We have to prepare… it’s a matter of when it will enter the country,”dagdag.ni Solante.


Una nang sinabi ni Solante na dapat nang gawing mandatory ng gobyerno sa general population ang booster vaccination bago pa man ang pagbabalik ng face-to-face classes sa Nobyembre.

Ayon kay Solante wala pang 20% ng target population ang nabigyan ng kanilang booster shot. (Philip Reyes)


Tags: Dr. Rontgene Solante

You May Also Like