Sumirit ang presyo ng tikoy at prutas kasabay ng selebrasyon ng Chinese New Year.
Nabatid na ang presyo ng tikoy ay tumaas ng P15 hanggang P40.sanhi na rin ng pagtaas sa presyo ng mga sangkap na ginagamit sa.pagluluto ng tikoy, gaya ng asukal.
Napag-alaman na ibinebenta na ngayon sa halagang P130 ang malaking tikoy na dating mabibili sa halagang P90.;ang medium size naman na dating P60 ay nasa P75 at ang maliit na dating P55 ay mabibili na sa halagang P70.
Ang mga bilog na prutas na pinaniniwalaang pampasuwerte ay nagtaas na rin ng presyo kung saan ang mansanas.at peras ay.mabibili sa halagang P50 kada.isa. Ang Kiwi ay P50.at ang melon ay P250 per kilo na mula sa dating nasa P80 lamang kada kilo.
May mansanas na maliliit sa halagang P20 kada isa na dating mabibili lamang ng P10. kada isa.
Kaugnay nito,bilang bahagi ng pagdiriwang ay may mga dragon dances na ginaganap sa Binondo at mayroon rin food festival sa Plaza.Lorenzo Ruiz.
Ang countdown at fireworks.display ay gaganapin alas-12 ng hatinggabi ng January 21 at ang Chinese New Year ay January 22. (Carl Angelo)














