Balik normal na ang presyo ng pandesal sa gitna ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin.
Ayon kay Lucito “Chito” Chavez, Pangulo ng Asosasyon ng Panaderong Pilipino, batid nilang hindi kakayanin ng mga konsyumer ang pagtaas ng presyo ng pandesal kung kaya’t hindi magdadag ng presyo ng mga panaderya.
Sinubukan aniyang gawing P3.00 hanggang P4.00 ang presyo ng pandesal pero hindi umano nabebenta ang mga tinapay.
Gayunpaman, mas maliit na ang mga nabibiling pandesal kumpara dati dahil problema rin ng mga magtitinapay ang pagmahal ng asukal.
Samantala, isinusulong ng grupo ng mga panadero ang paggamit ng coco flour, na mas mura kumpara sa wheat flour.