INAPRUBAHAN ni Presidente Rodrigo Roa Duterte ang promosyon ni Philippine Coast Guard (PCG) Commandant mula Vice Admiral to Admiral – ang pinakamataas na ranggo para sa isang coast guard commissioned officer.
Sa kanilang official website, sinasabing kasunod ng ginawang rekomendasyon ni Department of Transportation (DOTr) Secretary Arthur P. Tugade, ay inaprobahan ni Pangulong Duterte ang promotion ni Coast Guard Admiral Artemio M. Abu miyembro ng Philippine Military Academy (PMA) Class of 1992, nitong Lunes .
Isang linggo matapos siyang hirangin bilang ika-29 PCG Commandant.
Opisyal na pinanumpa kahapon, Marso 10, 2022 ni DOTR Sec Tugade si Adm Abu na nagpahayag ng pasasalamat sa tiwalang ipinagkaloob sa kanya ng Presidente na pamunuan ang PCG at sa ipinagkaloob na promotion kasabay ng pagtiyak na ipagpapatuloy niya ang “exapansion and modernization” sa ahensya.
Bago sa kanyang kasalukuyang posisyon si Adm Abu ay nagsilbing Commander ng Maritime Safety Services Command (MSSC) at Task Force Commander ng PCG Task Force Kaligtasan sa Karagatan — ang unit na responsable sa pagtiyak sa pagpapatupad ng laws and regulations na may kaugnayan sa pagsusulong “safety of life and property at sea” sa saklaw ng nasasakupan ng maritime jurisdiction ng Pilipinas. (VICTOR BALDEMOR)