PREPARASYON PARA SA PISTA NG STO. NINO SA ENERO 18, KASADO NA

Ni Itchie G. Cabayan

Inihayag ng pamunuan ng Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo at Sto. Niño de Pandacan Parish na kasado na ang mga preparasyon para sa pagdaraos ng kapistahan ng Señor Santo Niño sa Enero 18, 2026.


Napag-alaman na kabilang sa preparasyon ang pagdaraos ng 33 misa na gaganapin sa araw ng Kapistahan ng Senor Sto.Niño., habang ang Lakbay-Aral Festival 2026 sa Tondo, Maynila ay gaganapin naman sa Sabado ganap na alas-7 ng umaga.

Diumano ay magtatalaga rin ng malaking bilang ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) dahii naasahan din na dadaluhan ito ng libo-libong mga deboto.

Nabatid na kahapon ay sinimulan na ang prusisyon ng replica ng Señor Sto. Niño sa Maynila na may ibat-ibang laki at liit habang bitbit ng mga nakiisa at ang iba naman ay nakasakay sa carosa.


Ayon sa kasaysayan, ikalawa sa pinakamatandang imahen ng Santo Niño sa Pilipinas ang imahen ng Señor Santo Niño de Tondo na dinala ng mga paring Agustino noong 1572.

Ang pagdiriwang ng Kapistahan ng Señor Sto.Niño ay kasunod ng katatapos lamang na kapistahan ng Poong Itim na Nazareno ng Minor Basilica at National Shrine of Jesus Nazareno noong Enero 9,2026 na dinaluhan ng milyong deboto.


Tags: Minor Basilica and Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo

You May Also Like