Premyo ng FIFA Club World Cup abot sa $1B

NAGTAKDA ng cash prize para sa 32-team Club World Cup ngayong taon na gaganapin sa Estados Unidos mula Hunyo 14 hanggang Hulyo 13 sa US$1 bilyon.

Ayon sa ulat ng ESPN, inilarawan ng FIFA ang napakalaking payout bilang isang “bagong benchmark para sa pandaigdigang club football.”

Ang torneo ay inaasahang lilikha ng US$2 bilyon na kita, kaya tinitiyak na ang FIFA reserves ay hindi magagalaw.


Isang bahagi ng mga kita sa torneo ay muling ilalagay sa club football sa buong mundo, ayon kay FIFA president Gianni Infantino.

“FIFA will not keep a single dollar,” ani Infantino.

Magaganap ang tournament sa 12 US stadium, na magsisilbing test run para sa 2026 FIFA World Cup, kung saan ang US ay co-host sa Mexico at Canada.

Kabilang sa mga powerhouse club sa field ay ang Real Madrid, Bayern Munich, Paris Saint-Germain, Chelsea, Borussia Dortmund at Inter Miami ni Lionel Messi.


Mayroon ding apat na pinakamataas na ranggo na koponan mula sa South America — Flamengo, Palmeiras, River Plate at Fluminense.

Bubuksan nina Lionel Messi at Miami ang torneo laban sa Al Ahly sa Hard Rock Stadium sa Hunyo 14.

Tags: FIFA president Gianni Infantino

You May Also Like

Most Read