PREMATURE BABY, INIWAN SA KALYE, PATAY

By: Baby Cuevas

Nasawi ang isang ‘premature’ na sanggol nang iwan itong naghihingalo nitong Lunes ng umaga sa panulukan ng Taft Avenue at Pedro Gil Street sa Ermita, Maynila.

Sa impormasyong nakuha ng Manila Police District -homicide section, ang bata ay itinatayang nasa 33 weeks pa lamang nang ilabas sa sinapupunan ng kanyang ina.


Dalawang bata ang nakakita sa sanggol alas-7:30 ng umaga at dinala Ito sa “Home for Angels” na matatagpuan sa 2337 Ruby St., San Andres Bukid,Manila.

Tinanggap naman ito ni Christina Balboa, staff ng Home for the Angels at nakita niya na ang sanggol ay namumula at mahina na kaya kaagad niyang isinugod sa Ospital ng Maynila ang lalaking sanggol pero idineklara itong dead-on-arrival.

Kasalukuyang nasa morgue ng OSMA ang sanggol, habang patuloy namang nag-iimbestiga ang MPD para malaman kung sino ang nag-iwan sa sanggol sa kalsada.


You May Also Like