Patay ang isang 47-anyos na lalaki na umano’y napraning dahil sa.paggamit ng iligal na droga matapos na makaladkad ng tren ng Philippine National Railways (PNR) kahapon ng umaga sa Batangas Street sa Tondo,Maynila.
Positibong kinilala ng kanyang kaanak ang bktimang si Julius Sarmiento,taga Velasquez,Tondo na nagtamo ng malakng sugat sa ulo at paa.
Nabatid na naganap ang insidente alas- 11 ng umaga sa southbound ng Batangas Street.
Ayon sa testigo, nakilala lamang na “Aling Helen”,nakita niya na nakaupo ang biktima at pagkatapos ay tumawid. Hindi naman umano niya masigawan dahil mahina ang kanyang boses.
Nakita umano ng biktma ang paparating na tren at tiningnan pa ito,maya-maya ay nakaladkad na to ng tren.
Nabatid sa kaanak ng biktima na may konting problema ito sa pag-iisip dahil sa pagkalulong sa iligal na droga. (Arsenio Tan)














