Latest News

PPCRV nakapag-encode na 2,689 election returns

SINABI ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) nitong Martes na sa ngayon ay 2,689 election returns na ang manu-manong na-encode para sa 2022 national election.

“We have received 2,689 election returns. These are from the diocese of Archdiocese of Manila, Cubao as well as Novaliches,” pahayag ni PPCRV board member Agnes Gervacio.

Inaasahan din ng PPCRV na darating na ang election returns mula sa iba pang lugar ng botohan.

Samantala, nilinaw ni PPCRV legal counsel spokesperson Atty. Vann Dela Cruz na hindi umano sila nakabase sa bilis ng pagbibilang.

“Hindi kami nakikipag-compete sa media. We are about accuracy,” ani Dela Cruz.

Kinokolekta ng PPCRV, na siyang accredited citizens’ arm ng Commission on Elections, ang ikaapat na kopya ng election returns mula sa clustered precincts sa bansa.

Ang mga volunteer nito ay manu-manong mag-e-encode ng mga naka-print na kopya ng mga resulta upang i-verify kung tumutugma ang mga ito sa mga electronic result mula sa transparency server.

Tags:

You May Also Like

Most Read