Latest News

Powerful mastermind” nasa likod ni Bantag

Hindi inaalis ng National Bureau of Investigation(NBI) na may “powerful mastermind” pa ang nasa likod ng pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.

Ayon kay NBI supervising agent Atty. Eugene JavierIto ito ay bukod sa sinuspindeng Bureau of Correction (BuCor) Director General Gerald Bantag.

“We are not discounting that possibility na bukod pa kay Director General Bantag na merong puwede na ma-implicate sa kasong ito (that aside from Director General Bantag, there would be someone else who would be implicated in this case),” ayon kay Javier sa panayam sa telebisyon.


Ibinulgar ni Javier na nakakaranggap sila ng intelligence reports sa isa pang mastermund pero bineberipukanpa nila ito.

Alam umano nila na si Bantag ay may rank lamang na Undersecretary kaya lohikal na may mataas pa umano sa kanya at ito ay mas makapangyarihan.

“Hindi namin sana gusto na titigil lang ito diyan kay Bantag. Kung may nalalabing 5%, sana’y patuloy pa rin saliksikin ito at malantad kung sino talaga ang mga taong nasa likod niyan,”dagdag pa ni Javier.

Una nang sinabi ni Justice Secretary Jesua Crispin Remulla na 95% nang sarado ang kaso pero patuloy pa rin nilang tinatrabaho ang nalalabing 5%.


Samantala, sa hiwalay na.panayam kay Roy Mabasa,kapatid ni Lapid,malinaw umano ang mga ebidensiya laban kay Bantag.

Nabatid na 3 beses pinag-usapan si Bantag sa on line radio program ni Lapid kung saan tinawag pa niya itong “Cinderella” dahil sa pagkakaroon ng mamahaling sasakyan at mansion nang makaupo sa BuCor. (Jantzen Tan)

Tags: National Bureau of Investigation(NBI)

You May Also Like

Most Read