Latest News

POST NI BEA, PINUSUAN NI DOM

By: Beth Gelena

Pinusuan ni Dominic Roque ang Instagram post ni Bea Alonzo kung saan binahagi niya ang kanyang pictures nitong nagdaang buwan ng Marso.

Ang caption ng actress: “Thank you, March.”


Ang pag-like ng actor sa Instagram post ng dating girlfriend ay agad naging usap-usapan lalo ng mga taong umaasa pa rin na magkakabalikan ang ex celebrity couple .

Marami sa kanilang tagahanga ang nalungkot lalo at engaged na ang dating magkasintahan.

Pero, ang pag-heart emoji umano ni Dominic sa post ni Bea ay napansin ng netizen na agad nawala or binura na raw yata.


Say ng isang netizen: “Bea n Dom are perfect couple pressured by the public eyes, Maritess, rude people, judgmental n nega! Hanga ako kay Bea for being matatag, never seems to be bothered. She gives the Maritess the privilege to insult here, even making fun out of it! Anyways kumita naman sila livelihood. ENVY CAUSES HATRED!”

Napuna rin ng netizen ang pag-like ni Dom.
“Ang saya naka-like si Dom.”
“Atleast nilike ni Dom ang unang post keep the love burning @beaalonzo n Dom keep private & low key na lang para tahimik.”
“Kilig naka like si Dominic Roque”
“Basta ako kahit ano mangyari sa kanilang kuwento sa dulo sila pa rin”
Ang ibang netizens ay nagsasabing hindi nila makita ang paglike ng actor.
“Bakit ako d ko makita ang like ni Dom”
Paliwanag ng isang netizen: “OK na kanina e naglike na c papa Dom bkit binura”
“D naman erase a”
“Nawala, pero binalik uli hahaha”
Hanggang ngayon ay marami pa ring umaasam na magkabalikan ang celebrity couple.


Tags: Bea Alonzo

You May Also Like