Tumaas ang COVID-19 positivity rate sa 6 na lugar sa Luzon.
Sa huling monitoring na inilabas ng OCTA Research Group, kabilang ang Metro Manila, Laguna, Cavite, Bulacan, Pangasinan at Rizal sa tumaas ang positivity rate mula Setyembre 10-17.
“Weekly positivity rate in provinces in Luzon. Increases were observed in NCR (13.3% to 15.6%), Bulacan, Cavite, Laguna, Pangasinan, Rizal. The positivity rates improved in the rest of the provinces. Zambales had low positivity rate,” ayon sa Twitter post ni OCTA Research fellow Dr. Guido David .
Nabatid na sa National Capital Region(NCR),naitala ang 15.6% mulansa 13.3% positivity rate sa COVID-19, habang sa Bulacan naman ay naging 16.1% na mula sa 11.5%; 16.6% mula sa 13.9% sa Cavite; 10.7% mula sa 9.8% sa Laguna at 8% naman mula sa 6.9% sa Pangasinan.
Sa probinsya ng Rizal naman ay nakapagtala ng 18.8% positivity rate mula sa dating 17.4% noong nakaraang linggo.
Gayunman,sa kabila ng pagtaas sa ilang lugar, bumaba naman ang positivity rate sa ibang lugar sa Luzon.
Muli namang hinimok ng OCTA ang publiko na magsuot ng facemask at sumunod sa health protocols.