Latest News

Positivity rate sa NCR, nakitaan ng pagbaba

Magandang balita dahil iniulat ng OCTA Research Group nitong Linggo na nakitaan nila ng pagbaba ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR).

Sa datos na ibinahagi ni OCTA Fellow Dr. Guido David sa kanyang Twitter account, nabatid na ang weekly positivity rate ng NCR ay bumaba na sa 16.4% hanggang noong Agosto 12.


Mula aniya ito sa dating 17.5% na naitala noong Agosto 6 lamang.

Ayon kay David, ito ang kauna-unahang pagkakataon na bumaba ang lingguhang positivity rate ng COVID-19 sa kasalukuyang wave nito.

Ibinahagi pa ni David ang isang chart kung saan makikita na mula Mayo 15-21, 2022 hanggang unang linggo ng Agosto ay makikita ang unti-unting pagtaas ng COVID-19 weekly positivity rate sa NCR na bumaba lamang sa huling bahagi nito mula Agosto 7 hanggang 12.


Ani David, ito ay nagbibigay sa kanila ng optimism na ang mga kaso ng COVID-19 sa NCR ay umabot na sa peak o rurok nito.

“The NCR weekly positivity rate decreased to 16.4% as of August 12 from 17.5% as of August 6. This is the first time in the current wave the weekly positivity rate decreased, and it gives us optimism that cases in the NCR may have already peaked. #COVID19,” aniya pa. (Philip Reyes)


Tags: OCTA Research Group

You May Also Like