Nasa “very high”ang positivity rate ng COVID-19 sa pitong lugar.
Ayon sa OCTA Research Group, ito ay sa kabila nang pagbaba ng positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Sinabi ni OCTA fellow Dr. Guido David sa kanyang tweet, bumaba na sa 15% noong Oktubre 11 ang positivity rate sa NCR mula sa 17.9% noong Oktubre 8.
Gayunman,kabilang sa may very high” na positivity rate ay sa Tarlac na may 51.8%,Camarines Sur,46.2% ,Zambales,33.6%,South Cotobato,26.2%,Cavite ,22.6%,Laguna,22.2% at Rizal 21.2% hanggang nitong Oktubre 11.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa percentage ng.mga tao na nagpositibonsa COVID 19 sa kabuuang bilang ng mga nasuri.
Nabatid na nitong Miyerkoles nakapagtala ang Department of Health(DOH ) ng 1,623 bagong kaso ng COVID19 habang nasa 24,283 ang aktibong kaso mula sa 25,004 naitala nitong Martes.














