Umakyat umano ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) sa 11.5%, dahilan para tumaas sa 1,000 ang bagong kaso sa Metro Manila.
Ayon kay OCTA Research Group Fellow Dr. Guido David, ang positivity rate sa NCR ay tumaas sa 11.5% mula 10.9% noong Hulyo 9.
Ang positivity rate ay tumutukoy sa bilang ng tao na nagpositibo sa COVID-19 sa kabuuang bilang ng mga indibiduwal na nasuri.
Sinabi ni David na ang bagong impeksiyon ng COVID-19 sa NCR ay umabot sa 1,000 nitong Hulyo 14, kung saan maaring naantala ang rurok ng pagtaas ng kaso pero ito ay mangyayari rin sa hinaharap.
“If cases do increase, we still expect the peak to happen soon, unless the wave becomes prolonged,” dagdag ni David .
Sinabi rin ni David na ang reproduction number sa NCR ay bumaba sa 1.36%.
Nalaman na nitong Hunyo 13,nakapagtala ang bansa ng may 1604 bagong kaso ng COVID 19 kaya umabot na sa 14,862 ang aktibong kaso. (Philip Reyes)














