Tumaas pa sa 26% ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR) hanggang nitong Mayo 17, 2023.
Ito ang ibinunyag ni OCTA Research Group fellow Dr. Guido David, na nagsaad sa kanyang social media account na ang seven-day COVID-19 positivity rate sa NCR ay bahagyang tumaas mula sa 25.9 %na naitala noong Mayo 16.
Samantala, tumaas naman sa 24.1% ang nationwide positivity rate na bahagyang tumaas mula sa 23.8%. Ang positivity rate ay tumutukoy sa percentage ng tao na nagpositibo sa COVID-19 mula sa kabuuang bilang ng mga nasuri.
Kaugnay nito,sinabi ni David na tumaas naman sa 30% ang hospital occupancy hanggang noong Mayo 17, mula sa 28% noong Mayo 10, habang ang intensive care unit occupancy ay tumaas ng 25% mula sa 23%.
Sinabi pa ni David na 746 kaso ng COVID-19 ang naitala sa NCR noong Huwebes at itinatayang aabot sa 1,800.hanggang 2,000.ang.bagong kaso ng COVID19 nitong Biyernes lamang.