Sina Senador Erwin Tulfo at French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel matapos mag-courtesy visit ang huli sa tanggapan ng Senador.

POSIBLENG MEGA TRANSPO AT INFRA PROJECTS SA RP, TINALAKAY NI SEN. ERWIN TULFO AT PHIL. FRENCH AMBASSADOR

By: Jerry S. Tan

NAGPULONG sina Senador Erwin Tulfo at French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel nitong Martes, Setyembre 2, 2025, upang pag-usapan ang pagpapalakas ng kooperasyon at posibleng pamumuhunan ng France sa bansa.

Ang pulong ay bahagi ng pagtutulungan ng dalawang bansa upang palalimin ang ugnayang Pilipino–Pranses, lalo na sa kalakalan, imprastruktura, at pag-unlad ng rehiyon at ng courtesy visit ni Ambassador Fontanel ay tumutok sa mga pangunahing sektor tulad ng transportasyon, imprastruktura, turismo at regional development—partikular na sa Palawan.


Bilang laking-Palawan at kasalukuyang Vice Chairman ng Senate Committee on Foreign Relations, binigyang-diin ni Tulfo ang dedikasyon ng pamahalaan na pagbutihin ang ease of doing business sa bansa.

Inihayag ni Tulfo ang plano niyang muling repasuhin ang mandato ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) sa ilalim ng Republic Act No. 11032 o ang “Ease of Doing Business and Efficient Government Service Delivery Act” sa pamamagitan ng isang Senate resolution.

Aniya, layunin nito na higit pang pasimplehin ang mga proseso ng gobyerno at makaakit ng mas maraming dayuhang mamumuhunan.


Kabilang sa mga tinalakay na oportunidad ang posibilidad ng pagpapatayo ng malalaking proyekto ng imprastruktura sa Palawan, kabilang ang panukalang pagtatayo ng shipyard at isang railway system na magpapabuti ng mobility mula hilaga hanggang timog ng isla.

Inihayag ni Tulfo ang interes na makipagtulungan sa mga French companies, na kilala sa buong mundo sa pagiging dalubhasa sa konstruksyon ng mga riles.


“We are looking into the possibility of building highways or an expressway from north to south in Palawan. This would serve both local and international tourists. A feasibility study could help determine its viability,” aniya.

Binigyang-pansin naman ni Ambassador Fontanel ang mga pagsisikap na pagandahin ang investment climate sa Pilipinas: “It’s a great achievement for your team. Investing in the Philippines has become much easier compared to before, thanks to improvements in the ease of doing business.”


Binanggit ni Tulfo ay ang potensyal ng Palawan na maging sentro ng sustainable tourism at logistics. Para sa kanya, ang probinsya ay maaaring maging strategic gateway para sa regional at international na pamumuhunan.

Tags: Senador Erwin Tulfo

You May Also Like