PORT AREA, ‘WAG GAWING BODEGA – PPA

By: Victor Baldemor Ruiz

Nakipag-ugnayan ang Philippine Ports Authority (PPA) sa Bureau of Customs nitong Linggo matapos lumikha ng mga bagong polisiya na magpapabilis ng mga pamamaraan upang maiwasan ang paggamit ng mga importer sa mga pantalan bilang storage area.

“We are coordinating with the Bureau of Customs (BOC) to ensure that importers do not delay filing their importation entries. We are gradually reviewing our processes within the PPA and the BOC,” pahayag ni PPA General Manager Jay Santiago.


Ayon kay Santiago, ang mga pantalan sa ilalim ng kanilang pamamahala ay hindi ginawa para maging storage areas ng mga importers at ibang mga users dahil ito ay ginagawa para gumalaw ang mga cargo.

Ito ay kasunod ng mga lumabas na isyu na ginagamit ng ilang negosyante at mga importers ang pantalan bilang imbakan ng kanilang kalakal na posibleng magdulot ng epekto sa presyo ng mga kalakal, partikular sa bigas at iba pang agricultural products.

Ani Santiago, nakita kasi ng PPA na naghihintay ng halos isang buwan ang mga importer para mag-file ng import entries para sa cargo, kahit na naibaba na sa mga pantalan ang mga kargamento.


“Some importers delay the filing of the import entry since they can save on storage cost (at the ports) compared to if they store goods in private warehouses. They pay only P700 a day (per container). For a month, that is P21,000 which is a small amount compared to the value of the shipment,” paliwanag pa ng PPA chief.

Nabatid na ang mga importer ay mayroong 30 araw para i-pull out ang kanilang cargo mula sa oras na na-clear ito ng BOC.


Ani Santiago, naiturn-over na ng PPA ang listahan sa Department of Agriculture (DA) ng 20 consignees na bigong ipull out ang kanilang 500 twenty-foot equivalent units (TEUs) ng kargamento ng bigas at iba pang agricultural products sa Manila ports hanggang noong Setyembre 30.

Sinabi pa ni Santiago na walang hurisdiksyon ang PPA sa mga consignee dahil ang mandato nito ay nakatutok lamang sa port management.


Tags: Philippine Ports Authority (PPA)

You May Also Like