Hindi na binigyang-pansin ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr., ang pormal na pag-alis sa bansa ng COVID19 public health emergency.
Sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na mistulang inalis na rin ang public health emergency nang pinaluwag ang COVID-19 restrictions.
“Ang sabi niya (Marcos) kasi, de facto, parang nakalift na rin tayo diba? Optional na ang masking ‘di ba? ” ani Herbosa.
“Wala pang formal, we’re still waiting for the [order], eh de facto naman tayo, ang dami na, nagpunta ko sa mall ang dami na di nagmamask eh,” dagdag pa ni Herbosa.
Nabatid kay Herbosa na ang order sa kanya ni Marcos ay maka-rekover sa COVID-19 at maibalik ang sigla ng ekonomiya.
“Basically, ni-reiterate ko ‘to kanina during our sectoral meeting that we now consider COVID among health care workers as similar to other illnesses like cough, colds, influenza,” ayon kay Herbosa.
Sinabi ni Herbosa na dapat, ang publiko na mismo ang magbigay ng proteksiyon sa kanilang sarili lalo na kapag ang tao ay vulnerable at kung nais na maging espesyal na protektado dapat na magpabakuna
Magugunita na noong nakalipas na linggo, sinabi ni Herbosa na irerekomenda niya kay Pangulong Marcos ang pag-alis sa public health emergency.














