Pope Francis, nanawagan ng “tigil putukan” sa Russia at Ukraine

SUMENTRO sa panawagan ni Pope Francis para sa tigil putukan at negosasyon para sa kapayapaan ng Ukraine at Russia ang ginanap na pagdiriwang ng Palm Sunday sa Vatican.

Nabatid na nagbalik ang sigla sa Vatican matapos na dumalo sa ginanap na misa ang libu-libong mamanampalataya mula sa iba’t-ibang panig ng mundo na may dalang “Palaspas” matapos sumipa ang COVID-19 pandemic.


“Let them lay down their arms. Let an Easter truce begin, and let us avoid reloading weapons and fighting again. No. Let us have a truce that brings peace through real negotiation. Let us also be willing to make some sacrifice for the good of the people. Indeed, what kind of victory will it be if, in the end, we place the flag on a pile of rubble?”ayon kay Pope Francis sa lengguaheng Italya na ipimost pa sa website www.vatican.ca.

Ayon kay Pope Francis,ang nagaganap ngayon sa Ukraine ay mistulang ipinako muli sa Krus si Jesus Christ.

Yes, Christ is nailed to the cross once again in the mothers who mourn the unjust death of their husbands and children. He is crucified in the refugees fleeing bombs with children in their arms. He is crucified in the elderly who are abandoned to die, in the youth deprived of a future, in the soldiers sent to kill their brothers. Christ is being crucified in those ways today,”ayon pa kay Pope Francis sa kanyang homiliya.


Nabatid na may 200 mananampalataya lamang ang pinayagan na makapasok sa St. Peter’s Basilica noong Palm Sunday celebration noong 2021 dahil sa pandemic restrictions.

Samantala, sa Huwebes Santi\o,ipahdiriwang ni Pope Francis ang Chrism Mass kung saan ang mga pari ay mag renew ng kanilang vows sa kanilang ordinasyon.


Habang sa Biyernes Santo, ang liturgy ay tahimik na gaganapin bilang pagsasa alangalang ng paghihirap at pagkamatay ni Jeaua Christ at sa gabi ay idaraos ang tradisyunal na Station of the Cross na gaganapin sa Colosseum sa Rome.

Magsasagawa rin ng Easter Vigil sa Sabado ng gabi kung saan isasagawa.ang tradisyunal na candle-lit procession sa loob ng basilica.


Ang Holy Week ay magtatapos sa Easter Sunday mass sa St. Peter’s Square na susundan ng ‘ Urbi et Orbi (to Rome and the world) ni Pope Francis kung saan magsasalita ng apostolic blessing mula sa balcony ng basilica.

Sa pagsisimula ng Lenten season,sinabi ni Pope Francis na ito ay isang magandang pagkakataon para sa community renewal at patuloy na paggawa ng mabuti ng mga tao. (Jaymel Manuel)



Tags: Pope Francis

You May Also Like

Most Read