Latest News

POPE FRANCIS, PUMANAW NA

By: Carl Angelo

Sumakabilang-buhay na si Pope Francis sa edad na 88 taong gulang.

Ito ay kinumpirma ng Vatican nitong Lunes, na nagsabing pumanaw na ang Santo Papa dakong alas-7:35 ng umaga Abril 21, 2025, sa kanyang tahanan sa Casa Santa Marta.

Mismong si Cardinal Kevin Farrell, Camerlengo ng Apostolic Chamber, ang nag-anunsiyo ng malungkot na balita.


“Dearest brothers and sisters, with deep sorrow I must announce the death of our Holy Father Francisl. At 7:35 this morning, the Bishop of Rome, Francis, returned to the house of the Father. His entire life was dedicated to the service of the Lord and of His Church,” ani Farrell.

“He taught us to live the values of the Gospel with fidelity, courage, and universal love, especially in favor of the poorest and most marginalized…With immense gratitude for his example as a true disciple of the Lord Jesus, we commend the soul of Pope Francis to the infinite merciful love of the One and Triune God,” dagdag pa nito.


Noong Pebrero 14, 2025 unang isinugod sa Agostino Gemelli Polyclinic Hospital ang Santo Papa matapos na dumanas ng bronchitis.

Lumala ang sitwasyon ng kalusugan ng Santo Papa at noong Pebrero 18 ay natukoy na mayroon na itong bilateral pneumonia.


Naging kritikal ang lagay ng Santo Papa ngunit matapos ang 38-araw sa pagamutan ay nakabalik siya sa kanyang tahanan sa Vatican upang doon ipagpatuloy ang pagpapagaling.

Naging mahina umano ang baga ng Santo Papa matapos na sumailalim sa operasyon noong 1957, kung saan inalis ang isang bahagi ng kanyang baga dahil sa matinding respiratory infection.

Dahil naman sa pagpanaw ni Pope Francis, o Jorge Mario Bergoglio, inaasahang maghahalal ang mga Cardinal ng Simbahang Katolika ng bagong Santo Papa sa mga susunod na araw.

 

Tags: Pope Francis

You May Also Like

Most Read