Pope-Emeritus Benedict XVI, inilibing na

Inilibing na si Pope Emeritus Benedict XVI, kahapon ng alas 9:30 ng umaga(oras sa Vatican) sa St. Peter’s Square.

Ang kanyang mga labi ay ilalagak sa crypt sa ilalim ng St. Peter’s Basilica.


Nabatid na mismong si Pope Francis naman ang mangunguna sa kanyang funeral Mass.

Samantala, naniniwala naman ang si Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) president at Kalookan Bishop Pablo Virgilio David na nagampanan nib Benedict XVI ang kaniyang tungkulin na maglingkod bilang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Katolika.

Ayon kay David, ang namayapang Santo Papa ay isang dakilang guro na biniyayaan ng husay at galing sa teolohiya na kinakailangan ng simbahan sa panahon ng kaniyang pamumuno.


“It is never fair to sort of compare either against each other. I would like to believe that Pope Benedict did his best,” pahayag pa ni David, sa programang Pastoral Visit-on-the-air ng church-run Radio Veritas.

Sinabi ng Obispo na na makailang ulit din niyang nakadaupang palad ang pumanaw na dating Santo Papa, noong 2006 sa ginanap na seminar sa mga bagong talagang obispo ng simbahan at noong 2007 sa ad limina visit ng mga obispo ng Pilipinas sa Roma.


Bago maging pinuno ng simbahan, si Cardinal Joseph Ratzinger o Benedict XVI ay naging pinuno ng Congregation of the Doctrine of the Faith simula 1981-2005.

Nagsilbi ring arsobispo ng limang taon sa Archdiocese ng Munich and Freising sa Germany.


Si Benedict XVI ay nagbitiw sa tungkulin taong 2013 sa edad na 85, dulot na rin ng kaniyang mahinang pangangatawan dahil sa mga iniindang karamdaman at katandaan.

Nang magbitiw sa tungkulin, 10 taong ginugol ni Benedict XVI ang kaniyang panahon sa pananalangin at katahimikan sa monasteryo sa Vatican City na nagsilbi niyang tahanan bago tuluyang binawian ng buhay noong Disyembre 31, sa edad na 95. (Arsenio Tan)



Tags: Pope Emeritus Benedict XVI

You May Also Like