POLITICO-MILITARY STRUCTURE NG CPP-NPA-NDF TARGET NG AFP

By: Victor Baldemor Ruiz

TARGET ngayon ng Armed Forces of the Philippines na tuluyan nang mabuwag ang politico-military structure ng Communist Party of the Philippines, New People’s Army- National Democratic Front para makamit na ang total victory sa mahigit 50-taong pakikibaka ng CPP-NPA-NDF sa pamahalaan.

Ayon kay AFP Spokesman Col Medel Aguilar, sa kasalukuyan ay nakamit na ng pamahalaan ang strategic victory laban sa mga teroristang komunista .

Katunayan ay isa na lamang aniya ang nalalabing aktibong NPA guerilla front sa bansa na nagtatago sa Northern Samar.


Inihayag naman ni AFP Public Information Office chief Col. Rookie Ileto na nababanaag na ang pag-shift ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas sa pagpapalakas ng external defense ng bansa sa nakikitang tuluyannang pagkagapi ng CPP-NPA.

Kaugnay sa direktiba ni Pangulong Ferdinand Bongbong Marcos Jr. na magsilbing peace maker din ang kasundaluhan at tumulong sa pagkakaisa ng buong bansa ay bukas umano ang AFP sa pagkakaloob ng amnestiya sa mga dating rebeldeng nagbalik-loob.


Ayon kay Col. Medel Aguilar, nakikita nila ito bilang bahagi ng mapayapang solusyon upang tuluyang wakasan ang insurhensiya sa bansa.

Sa datos ng militar nasa 1,800 nalang ang natitirang miyembro ng NPA mula sa 24,000 armadong kadre noong dekada ’80.


Tags: CPP-NPA-NDF

You May Also Like

Most Read