Latest News

Political vlogger binaril sa ulo, patay

PATAY sa pamamaril ang isang political vlogger noong Biyernes sa Manay, Davao Oriental.

Kinilala ni Manay police chief Maj. Meliton Sango ang biktima na si Danilo Lumikid Jr. o mas kilala bilang si Donnie Lumikid.

Ayon sa ulat, ang biktima ay sakay ng kanyang motorsiklo patungo sa bayan ng Manay nang barilin sa ulo ng hindi pa kilalang mga salarin na sakay din ng isa pang motor sa national highway ng lalawigan.


Si Lumikid na napapanood sa kanyang youtube channel ay madalas na topic ang tungkol sa pulitika sa kanyang mga vlog.

Iniutos na ni Maj. Sango ang agarang imbestigasyon sa insidente at ang pagkakakilanlan ng mga suspect at motibo sa krimen.

You May Also Like

Most Read