Political party ni BBM, nagsumite na ng SOCE

NAKAPAGSUMITE na ng Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) ang political party ni President-Elect Bongbong Marcos, Jr. sa Commission on Elections (Comelec).

Mismong si Atty. Rico Alday, ang legal officer ng PFP, ang personal na naghain ng 400-pahinang SOCE ng PFP sa Campaign Finance Office ng Comelec, sa Intramuros, Maynila nitong Lunes.


Nauna nang idineklara ng PFP na aabot sa P272 milyon ang kanilang nagastos para sa presidential campaign sa nakalipas na eleksyon.

Mas mababa ito kumpara sa maximum expenditure na P337 milyon na pinapayagan ng batas para sa isang national political party.

Ayon kay Atty. Alday, ang pinakamalaking bahagi ng nagastos ng PFP ay para sa political ads sa telebisyon, habang ang ibang gastos ay sa campaign rally expenses.


Nilinaw naman ni Atty. Alday na ang inihain ng PFP na SOCE ay para sa kanilang partido.

Una nang sinabi ng Comelec na ang deadline sa paghahain ng SOCE ay hanggang sa Hunyo 8, 2022 na lamang. (TSJ)


Tags: Commission on Elections (Comelec)

You May Also Like